Aking Tula..:-)
Paglisan, Pagtakas
Sana sa isang iglap ay matakasan ko ang lahat
at sa kaunting sandali ang sarili'y maapuhap
'Pagkat sa aking paglisan sa pangmundong ulirat
ay makalalaya ako sa aking paghihirap
Sana ang aking dalamhati'y maibsan
at ang aking pagtangis ay mabawasan
Kung ang suliranin ay matatakasan
Kung ang bawat unos na masasal ay malalampasan

Sapagkat nawalay ako sa pag-usbong ng pangarap,
hindi inalintana ang paglingap ng pag-asa
Naamba sa walang katiyakang hinaharap,
naluklok sa sariling pag-iisa
'Pagkat ang buhay sa paglaon ay naging isang sumpa
na 'sing bagsik ng may lasong tudla
Mataginting ang pagtawag ng kamatayan,
ang maibalik ako sa dating himlayan
Sana kahit sa isang saglit ay mawalay sa ligalig
na dinudulot ng sariling daigdig
Kung ang pagtungo sa kawalan ang siyang pagtakas
Doon natatapos ang paglulan at ang lahat doon ko mamalas

1 Comments:
This piece was used to underscore the writer’s fear, loneliness and probably an intense desire to move out (at least momentarily) of the world she is currently “in”. A perfect avenue for those who would like to see a world (be it for oneself of for others) as perfect as it can be. I share the same conviction ..... and I am glad!
Post a Comment
<< Home