One of My Favorite Poems
*Every once in a while I get inspired by a poem. This is one of the poems which caught my attention. It made me think twice about how I'm living my life...;-)
Kung ang tao'y isinilang
upang maging tao lamang...
Mabuti pang ako'y naging ibon na lamang
na lilipad-lipad sa lawak ng kalangitan;
O nanaisin ko pang ako'y naging isang bulaklak
na maaring pitasin sa mabangong halaman;
O kaya'y naging isang punong may malagong
mga daho't sangang malalabay;
Dili kaya'y isang kalabaw sa gitna ng kabukirang
napag-aanihan ng ginintuang palay;
Sapagkat sa pagiging ibon, bulaklak, puno o kalabaw
ay nakatitiyak akong may halaga ang aking buhay;
Na ako ay may kabuluhan!
Tulad ng isang taong isinilang
upang magpakatao at di maging tao lamang!
KUNG ANG TAO AY ISINILANG UPANG MAGING TAO LAMANG
Emelita Perez Baes (1978)
Kung ang tao'y isinilang
upang maging tao lamang...
Mabuti pang ako'y naging ibon na lamang
na lilipad-lipad sa lawak ng kalangitan;
O nanaisin ko pang ako'y naging isang bulaklak
na maaring pitasin sa mabangong halaman;
O kaya'y naging isang punong may malagong
mga daho't sangang malalabay;
Dili kaya'y isang kalabaw sa gitna ng kabukirang
napag-aanihan ng ginintuang palay;
Sapagkat sa pagiging ibon, bulaklak, puno o kalabaw
ay nakatitiyak akong may halaga ang aking buhay;
Na ako ay may kabuluhan!
Tulad ng isang taong isinilang
upang magpakatao at di maging tao lamang!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home