Saturday, April 01, 2006

Aking Tula..:-)

Silakbo ng Kamalayan
Ang pusong nilamon ng poot
na ang bawat pintig ay napuno ng kirot
Ang kaisipang nalugmok
sa maling sapantaha at pagkapusok
Taglay ng bawat nilalang
ang kakayahang mapanlinlang
Sa pagtalikod sa katotohanan
ay inandukha ang kamalian
Ngunit muling namulat
nakatarok ang ipinugal na ulirat
Sa isang munting panalangin
ang lahat ay nabatid ng mataimtim

1 Comments:

Blogger MARIOVISION said...

Sa aking palagay, hindi maituturing na kamalian ang kumapit at pagkaminsa’y igapos sa tanikala ng poot. Ang dapat lamang ay kaya mo itong bitawan at lansagin sa tamang panahon. Departing from the thought that the writer was an excellent student in biology, I am now perceiving her as a very reflective and sensible poet.

Tuesday, May 30, 2006 11:03:00 PM  

Post a Comment

<< Home