Sunday, December 17, 2006

Aking Kwento


Huling Dapithapon ng Isang Buhay

Marahang gumagalaw ang tumba-tumba sa loob ng isang silid na puno ng litratong napaglipasan at ilang alam mong kamakailan lamang kinuha. Nag-iisa lamang ang laman ng silid. Ang nakikinig sa lumang tugtuin sa isang rekorder at nakasilip sa bintana na araw-araw ay nagpipinta ng bagong larawan sa tumatanaw.
Ito ang mga huling kaganapan sa aking buhay. Buhay na hindi ko pinili pero napasa-akin pa rin.
“Lola Celing kakain na po”, ang tinig ng isang dalaga na pumuno sa buong silid sa kanyang pagpasok dala-dala ang isang basong tubig, isang pinggan ng kanin, gulay at isda at sa may gilid ay ilang pirasong gamot. Ang naisagot ko, “Nars ano nga uli ang pangalan mo?”

Nakalimot, ulyanin, walang maalala iyan ang tawag sa akin. Hindi ko pinili ang kapalarang ito ngunit sa bawat araw na lumilipas ay siya ring pagtakas ng bawat alaalang natitira sa aking isipan.

“Lola my Alzheimer’s po kayo,” ang sabi ng doktor na tumingin sa akin. Parang hinatulan na rin ako ng kamatayan ang nasabi ko sa aking sarili. “Ang Alzheimer’s po ay isang kondisyon na karaniwan sa matatanda”. Paliwanag pa ng doktor, ito ang pagbaba daw ng lebel ng kung ano mang bagay sa aking utak. Sa simpleng salita, napasa-akin na ang sakit na kinatatakutan ng bawat nilalang, ang pagkalimot. Ang pagkalimot sa bawat minamahal, sa bawat alaalang sana ay baon mo sa paglisan sa mundong ito at higit sa lahat ang pagkalimot sa iyong sarili.

Ang una at huling araw ng dati kong buhay. Nagbago ang lahat sa buhay ng dating Maria Cecilia Mijares. Wala na si Celing, ang Celing na dati’y puno ng buhay ay nilamon na ng kung anong sigwa at tuluyan nang naglaho. Alam ko sa aking sarili na ang sakit na ito ay nangangahulugan na rin ng aking kamatayan. Sino ang mabubuhay sa isipan na ni isang mukha ay wala kang makilala at ni isang bagay wala kang maalala?

Naawa ako sa aking sarili ngunit mas higit sa mga taong nakapaligid sa akin. Masakit sa kalooban ng isang anak na hindi makilala ng ina. Ang dating karugtong sa sinapupunan ay tuluyan nang naging putol na bahagi na kahit piliting ipagsama ay hindi na maari. Ganyan ang naramdaman ng aking mga anak. “Inay gagaling din po kayo”, ang sabi ng aking anak na si Sebastian. Kahit batid naming dalawa na malayo ito sa katotohanan ay pinili naming magkubli sa mumunting ligaya sa dulot ng mga salitang iyon. Habang hinahaplos niya ang aking buhok ay sabay umaagos ang kanyang luha. Kakatwa sa iba ang makita ang isang lalaki na lumuluha. Ngunit tinuruan ko ang aking anak na kahit kailan huwag ikahiya ang pagbugso ng damdamin. Madalas sabihang lumalambot ngunit matalino ang aking anak batid niyang ang bawat patak ng luha ay may pakahulugang saya o lungkot na hindi dapat ikahiya nino man. Ito naman ang siyang kabaligtaran ni Corazon, ang aking anak na babae. Nanatili siya sa may paanan ng aking kama. Kahit alam ko na gusto na niya akong yakapin at umiyak sa aking balikat ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Nakuntento siya sa pagpisil sa aking mga paa na para na ring pagsasabi na “Inay nandito lang ako”. Hindi ko malaman kung saan nagmula ang katigasan ng loob na ito. Ngunit alam kong mahal ako ni Corazon at sa kanyang sariling paraan ay ipinadama niya ito sa akin. Kung hindi lamang sana ako ninakaw ng aking kondisyon sa kanila.

Kung alam ko na nasasaktan ang aking mga anak, mas alam kong nasasaktan ang aking kabiyak. Unit-unti rin akong inagaw ng aking sakit sa kanya.
“Celing hintayin mo ako, sabay nating harapinang dapithapon”. Sa pagbikas ng mga salitang ito ay lumuluha siyang tangan ang aking mga kamay. Nakadudurog ng puso ang mga tagpong iyon. Mahal ko siya ngunit sa paglipas ng mga araw ay hindi ko na maipahayag ang pagmamahal na ito.
Hanggang dumating ang araw na hindi ko na kilala ang aking kaharap. “Sino ka? Huwag kang lalapit sa akin”. Nagpaalam ako kay Simon ng hindi ko namamalayan at hindi ko rin ginusto. Kung literal lamang na naadudurog ang puso ng isang tao ay marahil nakita ko ang mgapira-pirasong bahagi ng puso ni Simon sa aking harapan.

Nakalimutan ko silang lahat. Ang aking asawa, anak, apo, mga kapatid at kaibigan. Wala na akong maalala ni isa sa kanila at kung ano ang nangyari sa aking buhay. Ito ang masakit na katotohanan. “Hindi ko ito ginusto”, ang huling nasabi ko sa aking huling alaala.

May limang taon kong binuno ang aking karamdaman. Kung karamdaman man ito ay maituturing ko na ring sentensya sa nalalabing araw ng aking buhay. Sa loob ng limang taon ay marami ring nangyari sa aking kapaligiran. Mga pangyayari na sana’y aani sa akin ng lungkot o saya. Pero hindi na, ninakaw na sa akin pati ang pakiramdam ng makihalubilo o maipadama ang aking pagmamamahal sa lahat.

Ikagagalak sana ng aking puso ang pagtaas ng posisyon ni Sebastian sa opisina. Habang nagdiriwang siya at ang kanyang pamilya ay hindi ko man lamang alam kung ano ang ipinagdiriwang nila at kung sinu-sino sila. Ikagagalak ko rin sana ang muling pagbubuntis ni Corazon. Ngunit wala akong nalalaman ni hindi ko siya makilala ng ibulalas niya sa akin ang balita na, “Inay buntis po ako”.
Ilang pasko, bagong taon, bertdey kung anu-anong okasyon na sana ay kasama akong nakikipagdiwang. Wala na, wala na lahat.

Higit sa lahat ang hinaing ng aking puso ay hindi ko naramdaman sa pagkamatay ng aking kabiyak. Ipinagkait sa akin pati ang pagdama ng sakit ngunit kahit papaano ang pagpatak ng luha ay ipinagkaloob sa akin. At sa wari’y naging maawin din ang Diyos dahil sa huling pagkakataon ay nabigkas ko ang kanyang pangalan. Sa huling pagkakataon namaalam ako at nakapag-sabi ng “Simon…” Pumanaw raw ang aking kabiyak sa labis na pagkalungkot sapagkat hindi man daw ako pumanaw ay para na rin akong nawala sa kanya. Magalit man ako ay hindi ko magawa, iniwan niya ako.

Hindi lamang pala damdamin ang hahatakin paalis sa aking pagkatao. Pati pala ang natitira kong ulirat sa aking sarili. Unti-unti akong bumalik sa pagkabata. Ni hindi ko namalayan na hinahabol-habol ako ng aking apo habang nababasa ko ang aking salawal. Gumamit ako ng diaper at kulang na lamang ay bigyan ako ng tsupon na may gatas. Umiyak ako ng walang tigil na para bang ang dami kong gustong sabihin na hindi masabi kaya idinaan ko na lang sa iyak.

Gusto kong kumawala pero wala akong magawa. Para akong bilanggo na hindi makatakas.

“Lola aalis muna po ako para linisin ang kinainan ninyo,” muling sabi ng dalagang apo ko pala kay Sebastian. Lumabas siya ng kuwarto dala-dala ang mga lalagyang kanina ay puno at ngayon ay wala ng laman. Tumingin ako sa bintana. Nakita ko ang dapithapon at para bang may nais akong alalahanin ngunit hindi na mabatid ng aking isipan. Ipinikit ko ang akin mga mata habang nakikinig sa tugtog ng rekorder. “ Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman…” Ito ang sabi ng kanta na may kung anong pagtawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit espesyal ang tugtog na ito. Sa tabi ng rekorder ay naroon ang larawan ng isang lalaki. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para kunin iyon. Pinagmasdan ang larawan ng hindi ko makilalang lalaki. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at muli umagos ang luha na hindi ko alam kung saang damdamin nagmumula. Siguro nahabag sa kaluluwa ko ang Diyos at sa dapithapong iyon muling ipinaalala ang isang pangako. “Celing hintayin mo ako, sabay nating harapin ang dapithapon.”
Tinitigan ko ang larawan at namutawi sa aking labi ang mga salitang, "iniwan mo ako Simon, iniwan mo ako sa kadiliman at sumpa ng pagkalimot." Umaagos pa rin ng walang tigil ang mga luha. Ngunit sa loob ko ay may pakiramdam na payapa.

“Narito na po uli ako. Lola. Lola? Lola Celing gumising po kayo. Lola, Lola!” Muling napuno ng tinig ng aking apo ang mumunti kong silid. Pumanaw pala ako, pumanaw ng hindi ko namamalayan habang tangan ang larawan ni Simon. Ngunit masaya ako dahil sa huling dapithapon ng aking buhay nahabag sa akin ang Diyos at tinupad ni Simon ang kanyang pangako. Sabay naming hinarap ang huling dapithapon ng aking buhay kahit na ang aking katabi ay ang kanyang larawan lamang.

All written articles here unless mentioned are copyright of Andrea Uy (C) 2006

Sunday, June 04, 2006

Aking Tula...:-)


Bulong ng Pagbabago

Sa daigdig na tahimik
na walang marining na pag-imik
Ang makatarok ng kaalaman ay bawal
at ang kamangmangan ay ritwal

Bulag sa katotohanan, lagalag ang kaduwagan
Walang kalayaan na siyang pagmamasdan
Ito ay mundo naming mga bilanggo
na hindi man lamang matakasan o makalayo

Ngunit kalayaan saan nga ba nagtatago?
Kailan kaya ang lahat ay magbabago?
Wala na bang pag-asa ang mundong ito?
Lahat ba tayo ay mauuwi na lamang sa pagkalito?

May ligalig ang sa paligid ay bumabalot
Sa bawat isa'y laganap ang pagkatakot
Ito na ang kinagisnan kong mundo
ngunit ako ay umaasa sa mahimalang pagbabago

Saturday, June 03, 2006

Aking Tula...:-)

Anong Mayroon ang Isang Tula?

Anong mayroon ang isang tula
na bumibighani kahit sa simpleng panimula?
Anong mayroon ang akdang ito
na bumibihag sa kahit na kanino?

Anong mayroon ang isang tula
na sa isipan ay tumatagos gaya ng tudla?
Anong mayroon ang isang tula
na umaani sa mambabasa ng tuwa

Anong mayroon ang isang tula
na may dalang rikit sa wakas at simula?
Anong mayroon ang isang tula
kung saan ang imahinasyon ay malaya?

Anong kapangyarihan ang taglay
ng sulating siyang sa makata ay buhay?
Ano ang nagtatago sa likod ng kanyang ritmo
na umaakit sa isang tulad ko at tulad mo?

Ang indayog ng bawat linya nito
na tila sa mambabasa’y sumasamo
Ang himig ng pag-iisang tunog
na tamis sa pandinig ang handog

Ang matamis na panambitan ng isang makata
Na bumabalong ng galak sa kanyang akda
Ang bahagi ng sarili na pilit iniwan
at sa mambabasa ang pag-unawa ay inaasahan

Taglay ng isang tula ang lahat
lahat ng emosyong sa gawa ay ‘di masiwalat
Ang nagkukubling damdamin ng isang makata
na sa mundo ay ninais mapakita

My Poem...:-)

A Simple Prayer

The world offers the greatest things
Hoping to guarantee one’s bliss
All that life brings
One can’t simply miss

It is meant to bring a smile
to all those gloomy hearts
To entertain for just a while
from where it ends and where it starts

The world shares its beauty
for everyone to plainly see
Giving into life’s uncertainty
to ensure the simplest glee

But man’s heart is filled with discontent
He sees nothing for others
He sees everything as for him sent
Shares nothing and doesn’t seem to bother

Though I see things this way
I hope that thing would be better
Of when it will I cannot say
I’ll just pray and let God take care of the matter

Aking Tula...:-)

Pamamaalam sa Isang Pangarap

May mumunting pangarap ang sa aki’y umusbong
Sa musmos kong kaisipan ay kinalinga ng imahinasyon
Minutya ng aking puso at dinakila ng aking dunong
Itong pangarap na puspos ng dedikasyon

Lumipas ang panahon nagbago ang lahat
Ang mundo ay hindi pala ang matagal ko nang pinangarap
Taliwas sa inaakala, kabaligtaran ng lahat ng dapat
Maka-ilang ulit akong nilisan ng magandang hinaharap

Unti-unting naglaho ang aking pangarap
Sa mundong taliwas natutunang magpanggap
Hindi man ninais ng sarili ngunit itinago ang hirap
Kailangang matutong makibagay, matutong tumanggap

Hinanap ko ang aking kamusmusan, ang aking pagkabata
Ang pangarap na pinangakong matutupad
Ngunit ito’y naglaho at tila sinalanta
ng katotohanang mapait at sinumpa

Muli kong nilingon ang aking nakaraan
Ang tanging namutawi ay isang pamamaalam
Pamamaalam sa pangarap ng musmos na naglaho kung saan
Patawad dahil hindi na makakamit ang matagal nang inaasam

Friday, June 02, 2006

My Poem...:-)



I Sat by the Window

I sat by the window
Hoping to catch a glimpse of your shadow
You left me with no more than a goodbye
You went your way despite my sigh

Beneath the light of the moon
I have hoped to see you soon
As tears rolled down my eyes
I tried to bid my last goodbyes

But I can't let you go
I can't let my love leave me
You have been my life
but you brought me nothing but strife

My heart loved you secretly
but my mind a bit reluctantly
For I know you love someone else
Still I ask myself why can't our love be

I gave you my full attention
I showered you with love and affection
But you still longed for someone

and I know its not me

I am imprisoned in my own sorrow
If only I can borrow a better tomorrow
A life with you is what I want
but I know it is impossible, it simply can't

Now everything has been said and done
I noticed that you have long been gone
I sat by the window, I am waiting still
To catch a glimpse of your shadow by my window sill

Tuesday, May 23, 2006

Aking Tula...:-)



Himlayan

Ikaw ang siya kong dinatnan
nang ako ay muling nagbalik sa duyan
Inakay ako na na may ngiti sa labi
Habang ang tampo ay pinilit na tinimpi

Sabay sa pagpatak ng aking luha
ang muli kong pagsulyap sa iyong mukha
Walang nagbago sa dating ikaw
Siya pa rin ang batid ko at natatanaw

Taglay pa rin ang basbas na hiwaga
na sa akin ay bumihag at di magpakawala
Nabuhay ang pag-ibig sa naninibughong puso
at sa ilang sandali ay inanyaya ng tukso
Hinayaan akong mahiga sa iyong kandungan
upang pawiin ang hapis at ang kalungkutan
Sa katahimikan, ako ay muling napayapa
Natamo ang saya at mistulang pag-laya

May ilang taon na ang nakararaan
Ilang dapithapon ang sa duyan ay nagdaan
Matagal akong lumayo sa kapaitan
Ang iyong pagpanaw na sakit ng aking nakaraan

Namulat sa aking pagkakahimlay
Nagbalik ang dating malay
Muling nabatid pait ng katotohanan
Kailanman ika’y di na matatagpuan

Friday, May 19, 2006

My Poem...:-)


WOMAN
I live in desolation
bethrothed to eternal isolation
I am a woman, I am an outcast
I am cursed, I can't outlast
A man intoxicated world
who fought only with the sword
Not through thought but with strength
And whose patience, short in length
I am a woman
but thought of as no one
I am a daughter, I am a wife
and within me I bear life
I have no freedom, I have no right
In this world I take no sight
I walk no path
I bear all wrath
I am invincible
but I am as well invisible
I possess the mightiest heart
whose love knows no end nor start
I possess a brilliant mind
whose brilliance must be kept and be bind
Because of my social denomination
I am a threat to a man favored nation
I am a woman of whose charm can enthrall
Whose passion can exalt
I am a woman, I am an outcast
but set inside me is the will to outlast

Wednesday, April 26, 2006

Another set of my Favorites


PAG-IBIG
Jose Corazon de Jesus, 1926

Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;T
umanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.
Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.

Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!

Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!

Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!

Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!
"Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!

Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!
PAKPAK
Jose Corazon de Jesus, 1928

Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa
at ako'y lilipad hanggang kay Bathala...
Maiisipan ko'y mga malikmatang
sukat ikalugod ng tao sa lupa;
malikikha ko rin ang mga hiwaga,
sa buhay ng tao'y magiging biyaya.

Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak
kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat?
Ano ba ang kamay ng taong namulat
kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak?
Ano ba ang dahon ng mga bulaklak
kung hindi pakpak din panakip ng dilag?

Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim,
pakpak na nag-akyat sa ating layunin,
pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin,
pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin,
pakpak ang naghatid sa tao sa hangin,
at pakpak din naman ang taklob sa libing.

Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa,
at magagawa ko ang magandang tula;
bigyan mo ng pakpak tanang panukala't
malilipad ko hanggang sa magawa;
bigyan mo ng pakpak ang ating adhika,
kahit na pigilan ay makakawala...

O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad,
tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap,
buksan mo ang pinto ng natagong sinag,
at iyong pawalan ang gintong liwanag,
na sa aming laya ay magpapasikat
at sa inang bayan ay magpapaalpas.