Aking Tula...:-)
Bulong ng PagbabagoSa daigdig na tahimikna walang marining na pag-imikAng makatarok ng kaalaman ay bawalat ang kamangmangan ay ritwalBulag sa katotohanan, lagalag ang kaduwaganWalang kalayaan na siyang pagmamasdanIto ay mundo naming mga bilanggona hindi man lamang matakasan o makalayoNgunit kalayaan saan nga ba nagtatago?Kailan kaya ang lahat ay magbabago?Wala na bang pag-asa ang mundong ito?Lahat ba tayo ay mauuwi na lamang sa pagkalito?May ligalig ang sa paligid ay bumabalotSa bawat isa'y laganap ang pagkatakotIto na ang kinagisnan kong mundongunit ako ay umaasa sa mahimalang pagbabago
Aking Tula...:-)
Anong Mayroon ang Isang Tula?
Anong mayroon ang isang tula
na bumibighani kahit sa simpleng panimula?
Anong mayroon ang akdang ito
na bumibihag sa kahit na kanino?
Anong mayroon ang isang tula
na sa isipan ay tumatagos gaya ng tudla?
Anong mayroon ang isang tula
na umaani sa mambabasa ng tuwa
Anong mayroon ang isang tula
na may dalang rikit sa wakas at simula?
Anong mayroon ang isang tula
kung saan ang imahinasyon ay malaya?
Anong kapangyarihan ang taglay
ng sulating siyang sa makata ay buhay?
Ano ang nagtatago sa likod ng kanyang ritmo
na umaakit sa isang tulad ko at tulad mo?
Ang indayog ng bawat linya nito
na tila sa mambabasa’y sumasamo
Ang himig ng pag-iisang tunog
na tamis sa pandinig ang handog
Ang matamis na panambitan ng isang makata
Na bumabalong ng galak sa kanyang akda
Ang bahagi ng sarili na pilit iniwan
at sa mambabasa ang pag-unawa ay inaasahan
Taglay ng isang tula ang lahat
lahat ng emosyong sa gawa ay ‘di masiwalat
Ang nagkukubling damdamin ng isang makata
na sa mundo ay ninais mapakita
My Poem...:-)
A Simple Prayer
The world offers the greatest things
Hoping to guarantee one’s bliss
All that life brings
One can’t simply miss
It is meant to bring a smile
to all those gloomy hearts
To entertain for just a while
from where it ends and where it starts
The world shares its beauty
for everyone to plainly see
Giving into life’s uncertainty
to ensure the simplest glee
But man’s heart is filled with discontent
He sees nothing for others
He sees everything as for him sent
Shares nothing and doesn’t seem to bother
Though I see things this way
I hope that thing would be better
Of when it will I cannot say
I’ll just pray and let God take care of the matter
Aking Tula...:-)
Pamamaalam sa Isang Pangarap
May mumunting pangarap ang sa aki’y umusbong
Sa musmos kong kaisipan ay kinalinga ng imahinasyon
Minutya ng aking puso at dinakila ng aking dunong
Itong pangarap na puspos ng dedikasyon
Lumipas ang panahon nagbago ang lahat
Ang mundo ay hindi pala ang matagal ko nang pinangarap
Taliwas sa inaakala, kabaligtaran ng lahat ng dapat
Maka-ilang ulit akong nilisan ng magandang hinaharap
Unti-unting naglaho ang aking pangarap
Sa mundong taliwas natutunang magpanggap
Hindi man ninais ng sarili ngunit itinago ang hirap
Kailangang matutong makibagay, matutong tumanggap
Hinanap ko ang aking kamusmusan, ang aking pagkabata
Ang pangarap na pinangakong matutupad
Ngunit ito’y naglaho at tila sinalanta
ng katotohanang mapait at sinumpa
Muli kong nilingon ang aking nakaraan
Ang tanging namutawi ay isang pamamaalam
Pamamaalam sa pangarap ng musmos na naglaho kung saan
Patawad dahil hindi na makakamit ang matagal nang inaasam
My Poem...:-)
I Sat by the Window
I sat by the window
Hoping to catch a glimpse of your shadow
You left me with no more than a goodbye
You went your way despite my sigh
Beneath the light of the moon
I have hoped to see you soon
As tears rolled down my eyes
I tried to bid my last goodbyes
But I can't let you go
I can't let my love leave me
You have been my life
but you brought me nothing but strife
My heart loved you secretly
but my mind a bit reluctantly
For I know you love someone else
Still I ask myself why can't our love be
I gave you my full attention
I showered you with love and affection
But you still longed for someoneand I know its not me
I am imprisoned in my own sorrow
If only I can borrow a better tomorrow
A life with you is what I want
but I know it is impossible, it simply can't
Now everything has been said and done
I noticed that you have long been gone
I sat by the window, I am waiting still
To catch a glimpse of your shadow by my window sill